Eh hindi
Minsan hinihiling ko na kwentuhan mo ko kung kumusta na araw mo, kung anong mararamdaman mo, o kung anong gusto mong sabihin. Gusto kong malaman kung anong mga gusto mo, kinakatakutan mo, mga naranasan mo nung bata ka, mga naiisip mo kapag magisa ka, mga bagay na hindi mo sinasabi sa iba at lahat lahat na. Sana ako yong pinagkakatiwalaan mo, ako yong una mong hahanapin kapag may bad at good news ka, ako yong una mong maiisip sa mga bagay bagay, at ako yong masasabi mong nagbibigay comfort sayo kahit tahimik lang tayo.
Masyado ba yong hinihiling ko? Gusto ko lang maging kumportable ka kung gaano ako kakumportable sayo. Minsan nga naiisip ko na masyadong kang importante sakin para maisip ko pa yong sarili kong nararamdaman. Parang handang handa akong magadjust kung saan man ka mas kumportable. Minsan naiisip ko na sa sobrang importante mo sakin ay lahat ng hinihiling kong sana gawin mo ay hindi mo magawa sakin kasi masyado kitang pinagbibigyan at masyado mo namang sinasamantala.